Singil sa kuryente, inaasahang tataas—IEMOP

Singil sa kuryente, inaasahang tataas—IEMOP

INAASAHANG tataas ang singil ng kuryente sa Mayo ayon sa ulat ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), kasunod ng pagtaas ng temperatura sa bansa.

Ayon sa ulat ng IEMOP, tumaas ang electricity demand sa Luzon at Visayas mula sa 10,244mw noong Marso sa 11,033mw sa Abril 2023 habang sa Mindanao ay nakitaang maliit lamang ang pagtaas ng demand mula sa 1,752mw hanggang 1,790mw.

Dahil dito, tumaas ang singgil sa kuryente mula sa 6.57 per kwh mula Marso – Abril 2023, tumaas ito ng 7.68 per kwh habang salungat naman ang singil ng kuryente sa Mindanao mula sa P6.56/kwh noong Marso hanggang P5.36/kwh ngayong Abril.

Kasunod nito, binigyang-diin din ng ahensiya ang kahalagahan ng pagtitipid ng enerhiya lalo na ngayong tumataas ang demand nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter