158 lugar sa Visayas, itinuturing bilang election watchlist areas sa BSKE

158 lugar sa Visayas, itinuturing bilang election watchlist areas sa BSKE

AABOT sa 158 na lugar sa Visayas ang itinuturing bilang election watchlist areas (EWA) sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan (SK) Elections.

Ito ang iniulat ng PNP Area Police Command – Visayas sa 1st Quarter Visayas Joint Peace and Security Coordinating Center (VJPSCC) Meeting sa Camp Lapu-Lapu, Cebu.

Dinaluhan din ito ng AFP Visayas Command (VisCom) at Philippine Coast Guard (PCG).

Lumalabas na sa 158 EWA sa Visayas, 40 ang itinuturing bilang areas of concern, 92 ang areas of immediate concern, at 26 ang  areas of grave concern.

Habang 37 EWA ay matatagpuan sa Western Visayas, 63 sa Central Visayas, at 58 sa Eastern Visayas.

Naniniwala ang mga opisyal ng pulisya, militar at coast guard na mahalaga ang maagang paghahanda sa eleksiyon upang matiyak ang seguridad nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter