Single album ng Hoshi X Woozi unit ng Seventeen, matutunghayan sa Marso

Single album ng Hoshi X Woozi unit ng Seventeen, matutunghayan sa Marso

ABANGAN sa susunod na buwan ang kauna-unahang single album ng pinakabagong sub-unit ng K-Pop Boy group na Seventeen!

Ang tinutukoy na sub-unit ay bubuuin ng kanilang main dancer na si Hoshi at vocalist-producer na si Woozi.

‘Beam’ naman ang magiging pamagat nito batay sa social media post ng Seventeen at 6pm Korea standard time ang release sa March 10.

Noong June 2024 ay nauna nang nag-debut ang sub-unit nina Jeonghan at Wonwoo habang March 2018 ang sub-unit na BSS na binubuo rin ni Hoshi at Woozi kasama ang kanilang main vocalist na si Dokyeom.

Samantala, si Seulgi, ang main dancer ng K-Pop Girl group na Red Velvet ay magbabalik na rin bilang soloist.

Sa March 10 rin ang release ng kanyang ikalawang album na may pamagat na ‘accidentally on purpose’.

October 2022 nang ilabas ng artist ang kanyang unang album na ’28 reasons.’

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble