SIRANG warning lights ng runway ang nakikitang dahilan ngayon kung bakit nagbanggaan ang isang eroplano ng Japan Airlines at Japan Coast Guard Aircraft na naging sanhi ng pagkasunog.
Batay rin sa ini-release na Notice to Airmen (NOTAM) noong Disyembre 27, 2023, sinasabi na ang light system ng runway ay nasira at hindi pa matansiya kung kailan ito maayos.
Sa ngayon, ay patuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulan kung ano nga ba talaga ang totoong sanhi ng banggaan at pagkasunog ng eroplano.
Samantala, sa isang pahayag ng Japan Airlines, sa kasagsagan ng paglikas ng mga pasahero ay nag-malfunction din ang announcement system ng aircraft dahilan upang gumamit ng megaphone at maging ang sarili nilang mga boses ang mga flight crew.