MAGTATAGAL ng siyam hanggang isang taon ang pilot operation ng Automated Fare Collection (AFC) system.
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan.
Pili pa lamang ang mga unit at ruta na magkakaroon ng AFC system kasama ang Land Bank sa unang siyam hanggang 12 buwan.
Sa ngayon, ang Land Bank prepaid at credit contactless cards pa lamang ang tinatanggap para sa 150 participating public utility vehicles sa bansa sa ilalim ng pilot run.
Kapag naging matagumpay ang pilot implementation, ang sistema ay tatanggap pa ng mas maraming payment cards maliban sa Land Bank of the Philippines cards at magka-cover ng mas maraming PUV units at ruta.
Dagdag pa ni Batan, kapag naipalabas na ang mga patakaran, puede na ring tumanggap ang AFCs solution ng Land Bank ng Euro-Mastercard-Visa (EMV) contactless cards na inisyu ng ibang lokal na bangko.
Una nang sinabi ni Batan na layunin ng AFC system Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCs EMV PPT) na mag-establish ng cashless payment sa mga modern PUVs.