SITG, nilinaw ang proseso para agarang mahuli ang ilan sa mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo

SITG, nilinaw ang proseso para agarang mahuli ang ilan sa mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo

IPINALIWANAG ng Special Investigation Task Group (SITG) Degamo ang dahilan kung bakit napakabilis nahuli ng iilan sa umano’y gunmen ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Kasunod ito sa sinabi ni Cong. Arnie Teves kamakailan na sobrang bilis aniya ang pagkakahuli ng mga salarin sa pagkapatay ni Degamo kung ikukumpara sa mga nagdaang mga kaparehong kaso sa kanilang lugar.

Ayon kay STIG Degamo spokesperson LtCol. Gerard Ace Pelare sa panayam ng SMNI News, agaran silang nagsagawa ng drug net operation dahilan para mahuli ang mga suspek pagkatapos lang ng ilang oras nang nangyari ang krimen.

Mismong ang mga suspek din ang nagbunyag kung saan nila itinago ang mga ginamit nilang armas.

Ani pa ni Pelare, isa rin sa rason para mahuli ang mga suspek ay ang hindi nila pagiging pamilyar sa lugar lalo na’t naisarado ang mga daanan dahil sa operasyon ng mga pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter