Cong. Arnie Teves, hindi na-single out sa pagpapatupad ng batas –PNP

Cong. Arnie Teves, hindi na-single out sa pagpapatupad ng batas –PNP

HINDI na-single out si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves sa mahigpit na pagpapatupad ng batas.

Ito ang iginiit ng Philippine National Police (PNP) matapos tanggalan ng lisensya ng baril at bawiin ang security detail ng mambabatas.

Sa isang pahayag ng PNP, napag-alaman nila na kulang ang mga isinumiteng dokumento ni Teves para sa kanyang License To Own and Possess Firearm (LTOPF) kaya wala silang nagawa kundi ang ipatupad ang nararapat na aksyon. Arnie Teves

Mahigpit na ipinaaalala ng PNP na ang LTOPF ay isang pribilehiyo na maaring bawiin anumang oras, kung hindi makasusunod sa mga alituntunin ang may-ari ng baril.

Sa pagbawi sa security personnel ni Teves, binigyang-diin ng PNP na alinsunod ito sa PNP Memorandum Circular 2019-006, kung saan nakasaad na ang Police Security Protection Group (PSPG) ang awtorisado na magbigay ng seguridad sa mga opisyal ng gobyerno kabilang ang mga miyembro ng House of Representatives.

Follow SMNI NEWS in Twitter