IHIHINTO na ng Microsoft ang video-calling service na Skype ngayong Mayo.
Ayon sa tech giant, ililipat na nila ang ilan sa mga serbisyo nito sa Microsoft Teams, ang pangunahing platform ng kompanya para sa videoconferencing at team applications.
Sa loob ng maraming taon, mas pinahalagahan ng Microsoft ang Teams kumpara sa Skype at ang desisyon na isara ang brand ay pagbibigay-diin lang sa hangarin ng tech giant na gawing mas simple ang kanilang pangunahing communication app.
Nabili ng Microsoft ang Skype mula sa eBay noong 2011 sa halagang 8.5B dollars.