INILABAS na ng South Korean Talent Agency na SM Entertainment ang schedules ng single at album releases ng kanilang artists para sa huling bahagi ng Oktubre at Nobyembre.
Nauna sa line up maliban sa digital single ni Chanyeol ng Exo sa Oktubre 20 ay isang bagong kanta mula sa newly-debuted nilang boy group na Riize at nakatakda itong ilabas sa Oktubre 27.
Una nang inirelease ng Riize ang kanilang debut single na may pamagat na “Get a Guitar” noong Setyembre 4.
Susunod dito ang release ng ika-apat na mini album ni Taemin, ang main dancer ng Shinee na papamagatang “Guilty”.
Ilalabas ito sa Oktubre 30.
Sa Nobyembre, maliban sa kumpirmadong album releases ng Wayv at Aespa ay naka-line up rin ang comeback ng kanilang girl group na Red Velvet at ni Taeyeon, ang main vocalist ng Girls’ Generation.
Samantala, maliban sa artists ng SM Entertainment ay magpapalabas din ng panibagong single ang girl group na Billie sa Oktubre 23 na may pamagat na “Side B: Memoirs of Echo Unseen.”
Una nang nailabas ng grupo ang kanilang pre-release track na “BYOB” o Bring Your Own Bestfriend noong Setyembre 27.
Ang boy group naman na Stray Kids ay may comeback sa Nobyembre 10 at “Rock-Star” ang pamagat ng kanilang magiging extend play.
At sa Aghases saan man panig ng mundo, inanunsiyo ni Mark ng GOT7 na may panibago siyang extended play na ilalabas sa Oktubre 27 habang ang kapwa member nito na si Youngjae ay may full-length album sa Nobyembre 6 na may pamagat na “Do It”.
Kahapon lang, Oktubre 16 ay ini-release naman ng leader nilang si Jay B kasama ang iba pang artists ang isang album na may pamagat na “Scene #4” sa ilalim ng Øffshore, isang Korean Rhythm and Blues Collection.