Smartmatic, ban na sa lahat ng COMELEC procurement

Smartmatic, ban na sa lahat ng COMELEC procurement

DISKWALIPIKADO na ang elections technology provider na Smartmatic sa lahat na procurement ng Commission on Elections (COMELEC).

Kinumpirma ito ni COMELEC chairman George Garcia.

Nilinaw ni Garcia na hindi ito nakabase sa reklamo na inihaing petisyon ni dating Information and Communications Technology acting Sec. Eliseo Rio Jr. noong Hunyo 2023.

Matatandaang isinusulong ni Rio na mai-review ang qualifications ng Smartmatic dahil sa umano’y iregularidad noong 2022 elections.

Sa panig ng Smartmatic, hindi pa nila natanggap ang disqualification decision na ito ng COMELEC subalit hinihikayat nila ang poll body na magsagawa ng sariling review.

Lalo na anila at hindi pa nila naranasang nai-indict sa kahit saang bansa dahil sa election-related issues.

Sa kabila ito sa sinabi ng COMELEC nitong Oktubre na hiniling ng Estados Unidos na tulungan sila hinggil sa isang money laundering case laban kay dating COMELEC chief Andy Bautista.

Sinasabing tumatanggap ng bribe money si Bautista mula sa hindi pinangalanang elections technology provider para makuha ang 200 million dollars na halaga ng kontrata para sa 2016 polls.

Pinabulaanan naman ito ng Smartmatic at ni Bautista.

Samantala, ang Smartmatic ay provider na ng vote-counting machines sa bansa simula noong taong 2010.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble