IPINAPANGAKO ng software provider na Smartmatic na hindi nila hahayaan na may makikialam sa mga server nito sa general elections sa Mayo.
Sinabi ni Smartmatic legal counsel Christopher Louie Ocampo na isinailalim sa extensive audits ang source code at software ng automated election system sa loob at labas ng bansa.
Dagdag pa ni Ocampo, ang server at infrastructure ay independent at hindi ibinabahagi ng COMELEC ang mga electoral data sa Smartmatic.
Tiniyak din nito na walang nangyaring hacking sa kanilang sistema at ang kanilang dating empleyado ay walang kinalaman sa eleksyon ng bansa.
Samantala, sa ngayon iniimbestigahan na ni Committee Vice-Chairperson at Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang proseso ng ballot printing kabilang ang isyu na walang watchers sa pag-iimprenta ng balota.