MULING tumanggap ng pagkilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) mula sa World Class Philippines sa Waterfront Hotel sa Cebu City kamakailan.
Kinilala ang SMNI bilang Media Excellence in Promoting Peace, Unity and Nation-Building.
Isa lamang ang SMNI sa halos dalawang daang awardee na tumanggap ng parangal dahil sa kanilang ambag sa lipunan na patuloy na nagtataguyod ng tama at totoo sa larangan ng pamamahayag.