SMNI News Channel, pinarangalan sa ika-23 Q Asia’s Quality Excellence Awards

SMNI News Channel, pinarangalan sa ika-23 Q Asia’s Quality Excellence Awards

NAGTIPUN-tipon ang mga negosyante at mga kompanya sa isang gabi ng parangal sa ika-23 Q Asia’s Quality Excellence Awards na ginanap sa Diamond Hotel Manila nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ika-23 Q Asia’s Quality Excellence Awards, kinilala ang kanilang mga napagtagumpayan sa iba’t ibang industriya.

Isa na rito ang SMNI News Channel na kilala sa larangan ng paghahatid ng tapat at hindi bias na pagbabalita.

Pinarangalan ang SMNI News Channel bilang Most Trusted Free to Air News TV Network.

“Maganda ang adhikain niyo. Kaya namin kayo napili dahil iba’t ibang mga storya ang naibabahagi niyo. Hindi lang sa pangkalahatan pati sa politika, mayroon din. Yung mga totoo lang.”

“Maraming salamat and congratulations kay Pastor Apollo Quiboloy,” ayon kay Dir. Andrew Ramirez, CEO / Awards Committee Chairman, Q Asia Magazine.

“Thank you so much Q Asia for this recognition, we’re so humbled nevertheless this only reinforces our dedication to our vital mission which is nation-building. We also dedicate this award to Pastor Quiboloy, our mentor, our guiding light and inspiration for excellent public service. Congratulations Pastor!” saad ni Lurren Santos, SMNI Anchor.

Hindi pa nagtatapos ang 2023, 47 na parangal na ang natanggap ng SMNI News mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Ito ay patunay na patuloy na pinagkakatiwalaan ang SMNI News ng taumbayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter