MAS lalong nag-iingay ang SMNI News kahit na patatahimikin ito.
Ito’y dahil hindi natatakot sa mga kalaban ang nasabing broadcasting network ayon sa vlogger na si Boss Dada sa naging pagtitipon ng mga supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ KOJC at ngayo’y tumatakbong senador sa Malaysia nitong February 23,2025.
Naikwento na rin ng vlogger ang karahasan na naranasan ng SMNI nang sinubukan itong patahimikin.
Ito ay ang nangyaring 16-day KOJC Seige noong August 24 hanggang September 8, 2024.
Ngunit makikita aniya na tumayo at hindi nagpadala ang network sa mga kalaban.
Sa huli, ayon sa vlogger, magandang pantapat ang SMNI sa mga namumuno sa Pilipinas ngayon na mistulang wala ng mga Diyos.
Follow SMNI News on Rumble