SMNI presidential debates, hindi scripted – Political analyst

SMNI presidential debates, hindi scripted – Political analyst

HINDI scripted ang presidential debates ng Sonshine Media Network International (SMNI) at binigyan ng platform ang ibang presidential candidates na ilahad ang kanilang plataporma.

Ito ang naging komento ni professor at political analyst Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI news kaugnay sa naganap na SMNI presidential debates kagabi, Pebrero 15.

Dahil dito ayon kay Malindog-Uy, naipakita ng mga kandidatong nag-attend na “very qualified” sila na tumakbo bilang kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Dagdag pa ng professor, makikita talagang hindi scripted ang debate dahil nakikita sa reaksyon ng mga kumakandidato na hindi sila nakapaghanda sa tanong.

Aniya, nakaka-proud na panoorin bilang Pilipino ang isinagawang presidential debates ng SMNI.

Pinasalamatan nya rin si Pastor Apollo C. Quiboloy bilang pangunahing sponsor dito.

Maliban pa dito, pinuri rin ni Malindog-Uy ang naging panelists ng debate dahil pawang napapanahong issue lang ang tinalakay nito.

Napanatili pa aniya ang kapayapaan dahil walang bangayan o pang-iintriga sa pagitan ng mga kandidato.

Naniniwala naman ang professor na tataas ang rating ng apat na dumalo sa SMNI debates na sina dating Defense Secretary Norberto Gonzales, dating Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Ka Leody de Guzman.

Dumalo din si dating Senador Bongbong Marcos.

Samantala, kinumpirma na ng SMNI na magkakaroon ng ikalawang bahagi ang presidential debates at gaganapin ito sa susunod na buwan.

Follow SMNI NEWS on Twitter