SMNI, ‘wag idamay sa anumang pahayag ng anchors

SMNI, ‘wag idamay sa anumang pahayag ng anchors

NAGBIGAY komento si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa inihaing House Resolution ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-List Rep. Migs Nograles laban sa SMNI.

Paliwanag ng dating Palace official, mayroong disclaimer na ipinapakita ang SMNI sa bawat umpisa ng programa.

Ibig sabihin, anumang pahayag na binitawan ng anchors sa isang programa ay dapat maihiwalay sa network.

Sinabi rin ni Panelo, sakaling may nabitawang pahayag ang isang anchor ng programa, may karapatan ang network na magsagawa ng internal investigation at magpataw ng sanctions.

Binigyang-diin pa ni Panelo, dapat patunayan din sa korte kung may pagkakamali nga ang tinutukoy na anchor.

Nitong Lunes, Disyembre 4 ay inihain ni Rep. Migs Nograles ang House Resolution No. 1499 kung saan hinihikayat nito ang National Telecommunications Commission (NTC) na isuspinde ang operasyon ng SMNI dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon at red-tagging.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble