SMNI workers, sumabak sa Music Competition

SMNI workers, sumabak sa Music Competition

SA nagpapatuloy na SMNI Workers Olympics, nagtagisan ng galing sa larangan ng musika.

Wala nang mas magandang paraan para maipahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng musika.

Ika nga, ‘Music is the language of the soul’.

Kaya naman, hindi nawawala sa SMNI Workers Olympics ang patimpalak kung saan naipapamalas ng anchors, reporters, cameraman, writers, producers, researchers, technical team, admin, HRD, at iba’t iba pang departamento ang kanilang angking galing sa pagkanta.

Kung saan sila ang bumubuo sa lima na team: Ito ay ang Fuchsia Loyal Team, Red Overcomer Team, Green Dedicated Team, Blue Obedient Team at Violet Faithful Team.

Una munang bumida ang Solo Singing Competition.

Sa pagtatapos ng SMNI Workers Olympics sa susunod na Linggo ay malalaman na kung sino ang mga nagwagi.

Ipinapaabot naman ng mga workers ng SMNI at ng buong Cluster 1 ang taos pusong pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa hindi mapapantayang break na ibinahagi sa lahat ng mga manggagawa nito saan mang panig ng mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter