Soberanya ng Pilipinas sa West PH Sea, tuloy ang pagtatanggol nito—DND chief

Soberanya ng Pilipinas sa West PH Sea, tuloy ang pagtatanggol nito—DND chief

IGINIIT ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na walang dapat isisi sa Pilipinas hinggil sa pagtatanggol nito sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ng Defense chief sa kaniyang pagharap sa mga Defense Night ng Manila Overseas Press Club kagabi, Enero 23, 2024.

Sinabi ni Teodoro na ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas ay alinsunod sa itinatakda ng batas at suportado ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Dagdag pa ni Teodoro, hindi ang Pilipinas ang nanghihimasok sa exclusive economic zone ng ibang bansa dahil ang nananakop ay nagmamay-ari na ng malaking bahagi ng karagatan.

Magugunitang ngayong buwan lamang, isang Bilateral Consultation Meeting ang isinagawa sa Shanghai kung saan, kapwa nagkasundo ang Pilipinas at China na pahupain ang tensiyon sa West Philippine Sea.

Pero kasunod nito, muling nakaranas ng panibagong pang-aapi ang Pilipinas mula sa China matapos sitahin ang mga Pilipinong nangunguha ng seashell sa Bajo de Masinloc at pinabalik pa sa mga ito ang kanilang mga nakuha.

Follow SMNI NEWS on Twitter