INIHAYAG ng Pulse Asia survey na ngayon lang nila naranasan ang malaking agwat ng frontrunner na kandidato sa sumusunod sa kanya.
Ayon ito kay Pulse Asia Research Director Ana Tabunda sa panayam ng SMNI News.
Aniya, sa nangyayari ngayon, magbago man ang ratings ng susunod na kandidato, mataas pa rin ang para kay presidential candidate Bongbong Marcos.
Mahirap na rin aniya itong mahabol lalo pa’t tatlumput dalawang araw na lang at eleksyon na.
Sa pinakahuling survey result ng Pulse Asia, nakakuha si Marcos ng score na 56%, subalit mas mababa ito ng 4% mula sa dating 60% nito noong nakaraan.
Habang tumaas naman sa 24% ang ratings ni Vice President Leni Robredo mula sa dating 15%.
Kampo ni BBM, target ang 70% na boto sa mga pre-election surveys
Samantala, target ng kampo ni presidential candidate at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakuha ng 70% na boto sa mga pre-election survey.
Ayon sa spokesperson ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, hindi dapat magpakakampante ang mga supporter ni BBM at manatiling maging focus sa target na 70%.
Sa huling survey ng Pulse Asia, bumaba ng 4% ang boto ni BBM mula sa 60% na naging 56% na lamang.
Naniniwala naman si Rodriguez na marami pa ring mga Pilipino ang gustong manalo si BBM bilang pangulo ng bansa.
Sabi naman ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda, maliit lamang ang binaba ng boto ni BBM at marami pa rin ang gustong bumoto sa kanya na first time nangyari sa bansa.