UMPISA pa lang ay malinaw na gustong yurakan ng mga kongresistang bumubuo ng House Tri-Committee ang vloggers na supporters ng mga Duterte.
Ayon ito sa vlogger at ‘Banateros’ anchor na si Boss Dada kaugnay sa humigit-kumulang 40 vloggers, commentators at influencers na pinatawag sa Kamara noong Pebrero 4.
Matatandaan na tatlo lang sa mga inimbitahan ang dumalo.
Dagdag pa ni Boss Dada, kahit pa nagsumite na ng kanilang mga rason ang vloggers kung bakit hindi sila makakadalo ay binigyan pa rin sila ng show cause orders.
Nakikita pa ng vlogger na nais kontrolin ng mga nasa gobyerno ang social media gaya ng mainstream media lalo na kung hindi nila kaalyado.
Halimbawa na rito ang sinapit aniya ng SMNI News na bigla na lang binawian ng prangkisa.
Ang kaibahan nga lang ani Boss Dada, walang takot ang SMNI at nagpapatuloy pa ring isiniwalat ang mga katiwalian sa gobyerno.