SONA ni PBBM, umani ng iba’t ibang reaksiyon

SONA ni PBBM, umani ng iba’t ibang reaksiyon

UMANI ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa publiko ang matagumpay na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa mga nakapanayam, mas marami ang nagbigay ng mataas na ratings para sa Pangulo.

 “Para sa akin po, ang pagiging leadership ni PBMM, is 9.5 out of 10,” ayon sa Netizen.

“Ah currently ah, currently for me is 7,” ayon kay Alvin Capili, Netizen.

“90…Eh maganda eh, maganda ‘yung mga sinabi niya,” ayon naman kay Rolando Alex, Netizen.

Iilan din sa ating mga kababayan ang nagpahayag ng kanilang saloobin na sana ay mas lalo pang mapahusay ni Pangulong Marcos ang pamumuno sa bansa patungkol sa kaniyang isinaad na “Bagong Pilipinas”.

Tulad sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan na wala pa ring trabaho gayundin ang panawagan ng mga estudyante sa mataas na kalidad ng edukasyon.

“Maging mas maayos ang quality ng education. Kasi di ba ngayon marami pa ring mga Pilipino ang hirap na makakuha ng magandang edukasyon, lalo na sa mga nasa Mindanao,” ayon kay Ricky Alvarina, Estudyante.

 “We currently hoping pa rin sa sinasabing “Bagong Pilipinas” na maa-achieve natin kasi ‘yung mga sinabi kanina ni PBBM, lahat ‘yun ay parang expectation pa lang, kung magkakaroon ng concrete action, mas maganda para sa atin,” ayon naman kay Alvin Capili, netizens.

Sa kabuuang reaksiyon ng nakararami, mataas na ratings ang ibinigay ng ating mga kababayan sa pagbabagong naganap para sa buong bansa sa ilalim ng unang taon ng administrasyong Marcos.

“Kasi nakita naman natin kung paano niya ihandle ang Pilipinas, lalo na iyung sa mga napapasok niya ‘yung investments dito sa Pilipinas po,” ayon sa netizen.

“Yun for the general changes, ire-rate ko siya siguro mga nasa 7 pa rin, kasi kagaya nga ng sinabi ko expectation pa rin tayo, kapag may further action, ‘yun siguro magbabago,” ani Alvin Capili.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble