Song cover ni Jay ng ENHYPEN pinuri ni Bon Jovi

Song cover ni Jay ng ENHYPEN pinuri ni Bon Jovi

ISANG emotional and passionate na rendition ang ibinahagi ni Jay ng ENHYPEN sa kanyiang pagkanta ng timeless song na “Always” ng rock legend na si Bon Jovi.

Ilang araw matapos ang release ng cover ay pinuri ito ng original singer.

Sa kaniyang post sa X, sinabi ng singer na namangha siya sa performance ni Jay.

Binigyang buhay ng K-pop idol ang 90’s song, not to mention ang visuals ng MV nito, na mula sa hair style, outfits, filter at buong setup na talaga namang nagbigay ng 90’s vibe.

Ang “Always” ay inilabas noong Pebrero 17, 1994, at second single din ng kanilang studio album na Cross Road.

Ito rin ang biggest hit ng banda at naging staple song sa kanilang performances.

Ilang araw pa lang ay nangunguna na ito sa Philippine YouTube music trend na umabot na sa more than 2.5 million views.

Hindi lang yan dahil matutunghayan na sa Coachella stage ang ENHYPEN ngayong Abril 12-19. Sila rin ang fastest K-pop boy group na makakapag-perform sa prestigious international stage.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble