Sonshine Philippines Movement at Malaybalay LGU sa Bukidnon, nagkaisa para sa rehabilitasyon ng mga riverbank sa lungsod

Sonshine Philippines Movement at Malaybalay LGU sa Bukidnon, nagkaisa para sa rehabilitasyon ng mga riverbank sa lungsod

MALIBAN sa kilala ang lungsod ng Malaybalay sa magaganda nitong kabundukan, malamig na klima, isa rin sa maipagmamalaki ng lungsod ay ang pagiging awardee nito bilang cleanest city sa buong lalawigan ng Bukidnon.

Kaya naman nagpapatuloy ang mga programa ng lokal na pamahalaan para mapanatili ang estado nito.

Tugma naman ito sa matagal nang adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa isang malinis at magandang kapaligiran.

Kaya naman ang ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ na inisyatibo ni Pastor Apollo ay patuloy na nakikipag-kolaborasyon sa mga lokal na pamahalaan, para maisakatuparan ang hangaring ito.

Nitong ikalawang linggo ng Disyembre, isa na namang simultaneous cleanliness drive ang isinagawa sa buong bansa at dito nga sa lungsod ng Malaybalay, pinili ng grupo ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na magsagawa ng paglilinis sa mga pampang sa nasabing lugar.

Katuwang ang lokal na pamahalaan ng lungsod, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), missionaries ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), mga mag-aaral pati na representante mula sa iba’t ibang barangay at pribadong sektor ay nagkaisa para linisin ang daluyan ng tubig sa Kalawaig at Caul-Mansikol Creek.

“This creek Caul-Mansicol is part of our bigger program which is the conservation and protection of Sawaga River because Caul-Mansikol is part and tributary of Sawaga River so this is a major program of our City Mayor Atty. Jay Warren Pabillaran which is to protect and conserve our water bodies,” pahayag ni Kris Guerrero Tabernero, Supervising Environmental Management Specialist, CENRO – Malaybalay

Ayon sa CENRO, ang Sawaga River ay isang Class A water body kaya potensiyal itong mapagkukunan ng tubig mainom, kaya’t ganun na lamang din ang pagpupursige ng lokal na pamahalaan na linisin ito.

At  malaking tulong ang kolaborasyon ng LGU sa mga taong may parehas na mithiin tulad na lamang kay Pastor Apollo.

“We are aiming to strengthen partnership specially with SPM being a bigger organization believing that our environment is a manifestation of God’s creation so it is our role, it is our duty to protect our water bodies. So, Mayor Jay Warren Pabillaran is very happy with that development to increase partnership like sa inyo,” ayon pa kay Tabernero.

Samantala, ikinagagalak naman ng pamunuan ng SPM at KOJC na marami pa palang katulad ni Pastor na may malasakit sa Inang Kalikasan.

Umaasa rin ang grupo para sa isang kasunduan kasama ang lokal na pamahalaan na gawing regular ang pakikipag-kolaborasyon sa grupo.

“Narito tayo ngayon sa Malaybalay City, Bukidnon at nakikiisa sa isinasagawang clean-up drive ng Sonshine Philippines Movement in collaboration with the City Government of Malaybalay, nilinisan natin ang creek dito together with the different stakeholders, mga residence and other government agencies, and hopefully soon we well be signing a memorandum of agreement to take part of this monthly activity kasi isa itong continuous pogram with the goal of Malaybalay City to become the cleanest city.’’

‘‘So natutuwa tayo na maraming kagaya ni Pastor Apollo C. Quiboloy and Mayor Pabillaran na likeminded when it comes to cleanliness as we know na cleanliness and beautification are part of Pastor Apollo C. Quiboloy’s advocacies,’’ ayon kay Bro. Edwin Torres, Spokesperson, KOJC Bukidnon.

Nagpaabot naman ng kaniyang pasasalamat si Malaybalay City Mayor Jay Warren Pabillaran sa SMNI at sa grupo ni Pastor Apollo sa mga mithiin nito para sa kaniyang nasasakupan.

“On behalf of the City Government of Malaybalay at sa CENRO na opisina, nagpapasalamat kami sa SMNI na aktibo talaga sa pag clean-up drive sa mga creek dito since bata pa ako diyan na ako, namulat talaga ako na ‘yong creek is unti-unting naging madumi but it’s high time for us specially that I’m the mayor na ibalik ‘yong malinis na  creek at hindi namin ito kaya kung kami-kami lang—it involves the community,’’ ayon kay Mayor Jay Warren Pabillaran, Malaybalay City, Bukidnon.

Matatandaan na una nang nagsagawa ng ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ cleanliness drive ang SPM sa Northern Mindanao kung saan nasa sobra isang libong sako ng mga basura ang nahakot mula sa baybayin ng Brgy. Lapasan sa Cagayan de Oro City.

Hindi nga imposibleng makamit ang isang luntian at malinis na bansa kung maging responsable lamang ang bawat isa.

 

#KalinisanTatagNgBayan

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble