South Africa, inakusahan ng US ambassador na nagsusuplay ng armas sa Russia

South Africa, inakusahan ng US ambassador na nagsusuplay ng armas sa Russia

INAKUSAHAN ni United States Ambassador Reuben Brigety ang South Africa na nagsusuplay ng armas sa Russia bilang suporta sa laban kontra Ukraine.

Ayon sa ambassador, nagpapadala ang South Africa ng mga armas at bala sa pamamagitan ng cargo ship na lihim na dumaong malapit sa Cape Town noong Disyembre.

Sinabi naman ni South African President Cyril Ramaphosa na walang ebidensiya sa naturang alegasyon.

Bagama’t inamin ng tanggapan ni Ramaphosa ang pahayag ng ambassador na dumaong ang Lady R sa South Africa, hindi naman nito sinabi kung kailan, saan o para sa anong dahilan.

Ang Lady R ay barko ng Russia na dumaong sa pangunahing naval base sa South Africa ngunit walang katiyakan kung may laman itong armas at noong Disyembre 2022 din nang i-sanction ng U.S. government ang kompanya ng barko.

Binatikos din ng South African president ang pagsasapubliko ng U.S. ambassador sa isyu.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter