South Cotabato, mayroon nang panibagong barangay

South Cotabato, mayroon nang panibagong barangay

BUMOTO ang mga residente ng Tupi sa South Cotabato na bumuo ng panibagong barangay sa kanilang lugar.

Sa isinagawang plebisito noong Sabado, Hulyo 13, mula sa mahigit na 9K (9,765) registered voters, bumoto pabor dito ang nasa 2K (2,393) na mga botante.

Nasa 89 lang ayon sa Commission on Elections (COMELEC) ang hindi sang-ayon para sa panibagong barangay.

Mula rito, ang mga sitio ng Kitubo at Lamlatang mula sa nayon ng Miasong; Pato at Landayaw mula sa nayon ng Cebuano; at Alpha mula sa nayon ng Linan ang bubuo ng bagong barangay na Juan-Loreto Tamayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble