GAGAWING feedstock ng South Korea ang hydrogen at ammonia para sa thermal power generation.
Inanunsyo ng gobyerno ng South Korea na gagawin nitong feedstock ang hydrogen at ammonia para sa pagbuo ng thermal power upang unti-unting mawala ang paggamit ng fossil fuels.
Ayon sa Ministry of Trade, Industry and Energy ang bansa ay naglunsad ng pampubliko at pribadong konseho upang pamunuan ang pananaliksik na ito.
Plano naman ng gobyerno na higit sa kalahati ng coal-fired thermal power plants o hindi bababa sa 24 na bilang nito ang makagagamit ng fuel mix na may 20% ng ammonia sa taong 2030.
Sa pagsapit ng 2035 ang mga lokal gas-fired thermal plant ay gagamit ng halong liquified natural gas at 30% ng hydrogen kung saan maaring taasan pa ito sa mga susunod na taon.
Bahagi sa layunin ng South Korea na maging carbon neutral sa taong 2050 kaya naman maaring taasan pa ng gobyerno ang proposyon ng hydrogen at ammonia power generation sa 13.8% hanggang 21.5%.