South Korea, ibabalik na ang visa-free entry ng Hongkongers simula sa Hulyo

South Korea, ibabalik na ang visa-free entry ng Hongkongers simula sa Hulyo

PINAPAYAGAN na ng South Korea ang mga manlalakbay mula sa Hong Kong na makapasok sa bansa ng visa-free entry .

Inanunsyo ni South Korea noong Lunes na ipagpapatuloy nito ang visa-free entry para sa Hongkongers na mayroong Hong Kong at British National (overseas) passport simula sa Hulyo 1.

Ayon sa consulate general ng Republic of Korea sa Hong Kong kinakailangan munang maaprubahan ang aplikasyon ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng K-ETA o Korea Electronic Travel platform bago magtungo sa bansang South Korea.

Ang K-ETA application ay magbubukas simula ngayong Hunyo 30 at para lamang ito sa mga may hawak na Hong Kong at BNO passport at maaaring mag-travel ng ilang beses sa loob ng 2 taon.

Ang aplikasyon ay nagkakahalaga ng KRW$ 10,000 o humigit kumulang HK $61 at pinapayuhan din ng mga otoridad ng South Korea ang mga bisita na kung maaari ay magsumite ng aplikasyon 72 oras bago ang kanilang byahe.

Dagdag din nito na kinakailangan ring magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga manlalakbay 48 hours bago ang kanilang byahe o isang antigen test 24 oras bago umalis.

Matatandaan na mahigit 2 taon na mula nang masuspinde ang visa-waiver program nong Abril 2020 dahil sa pandemya.

Samantala, simula nong Abril 1 ay mahigit 100 na bansa ang pinapayagan ng South Korea na makapasok ng bansa nito kahit walang visa.

Follow SMNI NEWS in Twitter