NITONG Lunes ay naging matagumpay ang South Korea sa paglulunsad ng kanilang pangalawang indigenous spy satellite sa isang SpaceX Falcon 9 rocket sa Estados Unidos.
Ayon sa Defense minister ng South Korea, ang Falcon 9 ay lumipad nang 7:17pm mula sa John F. Kennedy Space Center at ipinadala ang Roconnaissance satellite sa orbit sa loob ng 45 minuto pagkatapos ng paglulunsad.
Ito ang pangalawang satellite ng militar na inilunsad ng south korea upang mas masubaybayan ang North Korea.
Ang satellite ay nilagyan ng mga Synthetic Aperture Radar (SAR) sensor na kumukuha ng data gamit ang microwave. May kakayahan din umano itong mangolekta ng data anuman ang kondisyon ng panahon.
Matatandaan, noong Disyembre sa taong 2023 ay inilunsad ng South Korea ang unang satellite na may electro-optical at infrared sensor na may kakayahang kumuha ng mga detalyadong larawan mula sa mundong ibabaw.
Sa taong 2025, nais ng South Korea na makumpleto na ang 5 spy satellite na kanilang ilalagay sa kalawakan sapagkat inaasahan nila na magbibigay ang mga ito ng regular coverage sa halos dalawang oras na pagitan.