Nagpasa ng resolusyon ang National Assembly Foreign Affairs and Unification Committee para makapagpadala ang bansa ng tulong sa mga nabiktima ng lindol sa Turkiye at Syria.
Ang resolusyon ay inadopt ng komite sa isang sesyon sa plenaryo at hinihimok ang gobyerno ng South Korea na magpadala ng relief at recovery support para sa pinsala ng lindol.
Ang resolusyon ay nagsaad din na dapat ay masiguro na ligtas ang mga mamamayan ng bansa na kasalukuyang nasa Turkiye at Syria.
Ang pagpasa ng resolusyon na ito ay inilabas isang linggo matapos na magpaabot ng pakikiramay si Rep. Kim Tae Ho, ang chairman ng Parliamentary Committee for Foreign Affairs sa Turkiye National Assembly.
Inihayag din ni Kim na umaasa ito ng mabilis na koordinasyon para sa pagsasaayos ng mga lugar mga napinsala ng lindol.