South Korea, nagtala ng 37K bagong kaso ng COVID-19

South Korea, nagtala ng 37K bagong kaso ng COVID-19

PUMALO sa 37,000 bagong kaso ng COVID-9 ngayong araw ang naitala ng South Korea dulot ng bagong subvariant na Omicron.

Dahil sa lubhang nakahahawang bagong subvariant ng Omicron—ang BA.5, kinumpirma ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KCDA), na nasa bagong wave ng impeksyon ng COVID-19 ngayon ang bansa kung saan itinaas sa moderate ang nationwide risk level nito.

Ngayong araw ang sunod na pinakamataas simula noong Mayo 11 na pumalo sa mahigit 43K kaso ang naitala sa bansa.

Isa rin sa naging dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng impeksyon ay dahil sa humihinang immunity ng bansa dulot ng pagbaba ng proteksyon o vaccine laban sa COVID-19.

Ayon sa mga opisyal, isinusulong ngayon ng pamahalaan ng South Korea ang pagpapataw ng mga bagong hakbang laban sa impeksyon na inaasahan namang iaanunsyo bukas.

Follow SMNI NEWS in Twitter