NAKAPAGTALA ang South Korea ng 21,000 na mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency, mahigit 21,385 ang mga bagong kaso ng impeksiyon kabilang ang 43 imported cases na nagdala sa kabuuang caseload na 31,569,468 habang 15 naman ang naiulat na nasawi sa impeksiyon na nagdala sa bilang na 34,702 death toll cases.
164 naman ang bilang ng mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon sa ngayon.
Nakatakdang i-downgrade naman ng bansa ang antas ng COVID-19 sa “alert” mula “serious” sa buwan ng Hunyo kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization sa pagtatapos ng COVID-19 global emergency sa unang bahagi ng buwang ito.