NILINAW ni South Korean President Yoon Suk-Yeol na hindi ito namahagi ng kahit anong lethal weapons sa Ukraine matapos sabihin ni Russian President Vladimir Putin na ang desisyong ito ay posibleng makasira sa bilateral na ugnayan ng dalawang bansa.
Inihayag ni Putin sa isang conference sa Moscow kahapon na ang kanluraning mga bansa ang nag-uudyok ng gyera sa Ukraine.
Ayon kay Yoon, nakipagkaisa ito sa international community sa pamamahagi ng mapayapa na humanitarian aid sa Ukraine at walang binigay na anumang armas rito.
Ayon sa South Korea, pinananatili nito ang magandang ugnayan sa anumang bansa kabilang na roon ang Russia.
Matatandaan na ang gulo na nagsimula walong buwan na ang nakararaan ay nagdulot ng pagkasawi ng libu-libong katao at nagdulot ng kawalan ng matitirhan ng mulyun-milyung residente ng bansa.
Nagdulot rin ang Ukraine Russia conflict ng hindi magandang resulta sa international na ekonomiya at muling nabuksan ang cold-war era division ng mga bansa.