PANANAGUTIN ng presidente ng South Korea ang mga lalabas na may pagkukulang sa Itaewon Halloween crush.
Naglabas ng public apology si South Korean Pres. Yoon Suk Yeol dahil sa Halloween crowd crush na nagdulot sa pagkasawi ng aabot sa 156 na katao.
Kasabay nito ay nanawagan si Yoon ng malawakang police reform at malalimang imbestigasyon sa trahedya.
Dagdag ng presidente na nais nitong ipaabot sa publiko ano ang tunay na nangyarii na walang halong pag-aalinlangan at papanagutin ang mga may kinalaman sa insidente
Sa ngayon ay nahaharap sa kritisismo ang gobyerno ni Yoon dahil sa mismanagement sa Halloween celebration na ito.
Sa kabila nito ay lumabas naman na hindi naapektuhan ang survey kay Yoon dahil sa nangyaring trahedya na ito sa Itaewon District.