INIHAYAG ng Seoul military na inaresto ang South Korean marine na nagsagawa ng hindi awtorisadong overseas trip upang makarating umano sa Ukraine.
Ang serviceman na hindi naman pinangalanan ng militar ay umalis sa South Korea habang naka-duty noong Marso 21.
Matatandaan na hindi pinapayagan ng South Korea ang mga residente nito na magbiyahe patungong Ukraine matapos magkaroon ng kaguluhan roon.
Ayon sa mga ulat, ang sundalo ay lumipad patungong Poland upang umano’y sumali sa Ukrainian Army para labanan ang Russia.
Bigo umano itong makapasok ng Ukraine matapos ma-deny ang access nito sa Polish-Ukraine border.