GUMAWA ng fundraising concert ang music stars na sina Ed Sheeran at Camila Cabello.
Ang benefit concert na ito ay naglalayong makalikom ng pondo para sa isang Ukrainian Humanitarian Appeal.
Itinampok sa line up ang “Concert for Ukraine” sa Birmingham kasama ang mga Ukrainian singer na si Jamala na nanalo sa 2016 Eurovision song contest, ang music veteran Nile Rodgers & Chic, pati na rin ang mga grupong Snow Patrol at Manic Street Preachers.
Hindi naman nakadalo ng personal ang singer na si Billie Eilish at ang kanyang kapatid na si Finneas kaya nagpadala sila ng kanilang suporta sa pamamagitan ng isang video message.
Nakalikom naman ang naturang benefit concert ng mahigit $16 million na ido-donate sa Disasters Emergency Committee sa isang British charity para sa Ukrainian Humanitarian Appeal.