INARESTO nitong Miyerkules, Enero 15, 2025 si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ito’y para makadalo sa imbestigasyon kaugnay pa rin sa pagdedeklara niya ng panandaliang Martial Law noong Disyembre 2024.
Sa kabila nito ay tumanggi pa rin si Yoon na sagutin o magbigay komento sa mga tanong sa kaniya hinggil sa isyu.
Mula sa Corruption Investigation Office for High-Ranking Officials (CIO) ay inilipat si Yoon sa isang malapit na detention center upang ma-detain magdamag.