IBINAHAGI ng Bureau of Immigration (BI) na South Koreans ang may pinakamaraming bilang sa mga pumuntang dayuhan sa bansa noong 2023.
Sa tala, 1.55-M ang kabuuang bumiyahe patungo sa Pilipinas at sinundan ito ng mga Amerikano na may 1.19-M.
Pangatlo ang mga Chinese na may 406-K.
Ngayong taon naman ay nasa 30-K hanggang 31-K ang departures bawat araw sa lahat ng international airports matapos ang Christmas at New Year.
Nagsimula itong tumaas noong unang linggo ng Disyembre 2023 kung saan may 21-K hanggang 25-K departures bawat araw na naitatala.