Special Task Force BARMM binuo para tiyakin ang mapayapang halalan sa rehiyon

Special Task Force BARMM binuo para tiyakin ang mapayapang halalan sa rehiyon

BUMUO na ang PNP Area Police Command – Western Mindanao ng Special Task Force Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Layon nitong matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng halalan sa rehiyon ngayong darating na Mayo 12.

Pangungunahan ni APC-Western Mindanao, PLtG. Bernard Banac ang naturang Task Force katuwang ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, Philippine Army, Philippine Coast Guard, at ng Regional Office ng Commission on Elections (COMELEC).

Umaasa ang PNP na magiging maayos ang halalan kasunod ng isinagawang forum at peace covenant signing ng mga kandidato sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble