Spending ban sa fuel subsidy, aalisin ng COMELEC

Spending ban sa fuel subsidy, aalisin ng COMELEC

AALISIN ng Commission on Elections (COMELEC) ang election spending ban sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver ng public utility vehicles (PUVs).

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, maglalabas ang Komisyon ng resolusyon para dito.

Matatandaan na una nang inilabas ng Komisyon ang COMELEC Resolution 10944 kung saan ipinagbabawal ang paggastos ng public funds para sa Social Welfare Projects ng gobyerno simula Setyembre 15 hanggang Oktubre 30.

Tiniyak din ni Garcia na hindi idi-deny ng Komisyon ang application para sa spending lalo na kung request ito ng National Government Agency (NGA) at isang regular program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay hinihintay na ng Land Bank of the Philippines ang pinal na desisyon ng COMELEC para sa tuluy-tuloy na pamamahagi ng ayuda.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble