SPM, nakiisa sa tree planting sa Tagaytay City, Cavite

SPM, nakiisa sa tree planting sa Tagaytay City, Cavite

NAKIISA ang Sonshine Philippines Movement (SPM) katuwang ang Keepers’ Club International sa naganap na tree planting activity sa Brgy. Sungay East Tagaytay City, Cavite.

Ayon kay Ms. Anabelle Cayabyab, department head ng Provincial Government, ang tree planting activity ay matagal nang sinimulan noon pang taong 2017 na commitment ng provincial government of Cavite sa National Greening Program at sa katunayan may ordinansang ipinasa para sa adoption ng National Greening Program.

“Sa pangunguna ni Governor Jonvic Remulla nagkakaroon tayo ng tree planting activities at nagprovide din ng provincial nursery upang makapagparami tayo ng seedlings na ito ay nasa kategorya ng fruit bearing at forest trees na pinamimigay ng libre sa mga government agencies na nagnanais na magtanim sa mga designated areas,’’ saad ni Ms. Anabelle L. Cayabyab, Head Office of Provincial Environmental and Natural Resources Officer (OPENRO).

Dagdag pa ni Cayabyab, ang tree planting activity sa Tagaytay ay compliance at suporta sa Protected National Integrated Area System ng Taal Volcano dahil ang probinsiya ng Cavite ay isa sa mga member ng Taal Volcano Protected Area at ang Tagaytay ay isa sa nakapasok sa deligated area ng TVPL, malaking tulong ang tree planting sa lugar lalo na sa soil and riverbank protection at iba pa.

Anya, bukas din ang kanilang opisina sa partnership sa lahat ng mga ahensiya, non- government organization, private sector, religious group, academe at iba pa na nais makiisa sa pakikipagtulungan sa ganitong aktibidad.

Ayon naman kay Police Leutenant Colonel Charles Daven Capagcuan, malaki ang maiaambag ng tree planting hindi lamang sa Tagaytay kundi pati na rin sa mga karatig lugar upang maprotektahan ang kapaligiran at mapanatili ang klima ng paligid.

“Malaking bagay din ito na makatutulong para sa pagprotekta at pagsigurado sa water supply ng lalawigan ng Cavite na itong Tagaytay ang pinagmumulan ng pitong major rivers system ng lalawigan ng Cavite. Inaasahan natin na sa ganitong aktibidad na makatutulong na maprotektahan ang ating kalikasan,” ayon kay PLtCol. Charles Daven M. Capagcuan, Chief of Police Tagaytay Ccps.

Aniya, kung magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang Sonshine Philippines Movement sa ganitong aktibidad maasahan ang buong kapulisan sa kanilang isang daang porsiyentong pakikiisa sa mga mabubuting bagay na itataguyod ng samahan ng SPM.

Sa panayam naman kay Brgy. Chairperson Genaro Cabrera ang aktibidad na tree planting ay nagpapasimula sa pangunguna ng mga city government officials na nagbibigay suporta sa lokal na pamahalaan ng Brgy. Sungay East Tagaytay City.

Ang ganitong programa ay nakabase sa city government official at mga kapartner na ahensiya na nakikipagtulungan sa kanilang barangay, sa ngayon ay nakapagtanim ng 400 na puno gaya ng langka, pine tree, guyabano at iba pa, malaking tulong ito para sa ating kalikasan gaya ng pagprotekta sa landslide at iba pa.

Nagbigay naman ng pasasalamat si Kapitan Cabrera para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa Sonshine Philippines Movement.

“Malaking tulong po ito lalo na sa around the Philippines si Pastor Quiboloy na nakatulong siya,” pahayag ni Hon. Genaro M. Cabrera, Brgy. Chairperson Brgy. Sungay East Tagaytay City.

“Salamat po kay Pastor Quiboloy at sa inyong mga tauhan na nagtiis na makapunta sa matirik na lugar namin para lamang makita ang ginagawa namin,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter