HUMIHINGI na ng suporta mula sa iba’t ibang ahensiya ang Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ito’y upang labanan ang mabilis na pagkalat ng red-striped soft scale insects (RSSI) sa Negros Island.
Lalo na at nagmumula sa Negros Island ang mahigit 60% ng sugar production sa Pilipinas.
Kung hindi ito matutugunan agad ayon sa SRA ay maapektuhan ang suplay ng asukal sa bansa maging ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Unang naobserbahan ang RSSI noong Marso sa hilagang bahagi ng Negros Occidental.
Idineklara itong infestation noong Mayo 22 nang kumalat na sa mahigit 87 ektarya.
Matapos abisuhan ang mga magsasaka hinggil sa peste ay lumobo na sa 424.82 ektarya ang apektado noong May 30.
Sa ngayon ay mayroong P1.5M na inilaan ang SRA para sa binabalak nilang pagbili ng pesticide habang hinihintay ang tulong mula sa Department of Agriculture (DA).