NAMAHAGI ng tulong pinansyal at farm machinery ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa halos 10 block farmer cooperatives sa ibat ibang lugar sa bansa.
Pinangunahan ito ni SRA Administrator Pablo Azcona kasama sina DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban at iba pang opisyal ng SRA.
Naging panauhing pandangal din si Senator Imee Marcos sa nasabing aktibidad.