SRA ng mga healthcare workers, inilabas na ng DBM

SRA ng mga healthcare workers, inilabas na ng DBM

INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SORO) na nagkakahalaga ng P311 milyon para sa Special Risk Allowance (SRA) ng ilang healthcare workers.

Kinumpirma ito ni Health Secretary Francisco Duque sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing.

Ayon kay Duque, ang nasabing pondo ay ido-download na sa mga ospital.

Ang P311 milyong SRA ay ipamamahagi sa 20,156 mga public at private healthcare workers.

Nitong weekend, inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department  of Health (DOH) at DBM na bayaran na ang SRA ng mga healthcare workers sa loob ng 10 araw.

 

SMNI NEWS