Sri Lanka, sisimulan na ang trade deal sa China, Thailand at India

Sri Lanka, sisimulan na ang trade deal sa China, Thailand at India

SISIMULAN na ng Sri Lanka ang negosasyon nito kaugnay sa trade deal nito sa bansang China, India at Thailand.

Matatandaan na nakaranas ang Sri Lanka ng economic crisis sa loob ng 7 dekada dahil sa kakulangan ng foreign exchange.

Nakatakda naman sa susunod na linggo ang ikatlong round ng kanilang negosasyon sa Thailand matapos nasuspinde ito noong 2018.

Habang inaasahan namang magsisimula sa Pebrero at Marso ang negosayon nito sa India at China.

Samantala, ayon sa Central Bank, posibleng sa 2nd quarter ng 2023 pa makikita ang economic recovery ng bansang Sri Lanka.

 

Follow SMNI News on Twitter