MAGTATAYO na ang Social Security System (SSS) ng mas maraming tanggapan sa buong bansa.
Hakbang nila ito upang mas epektibong mapaglingkuran ang milyun-milyon nilang miyembro lalo na sa mga malalayong lugar.
Kamakailan lang ay inagurahan na rin ng SSS ang kanilang Taytay, Rizal Service Office.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro, inaasahan na magdudulot ng mas mahusay na serbisyo ang bagong tanggapan ng SSS para sa Taytay.