MAAARING mag-avail ng loan ang members at pensioners ng Social Security System (SSS) na apektado ng Bagyong Kristine.
Para maging kwalipikado sa isang one-month salary loan, dapat mayroong 36 monthly contributions ang bawat member kasama ang anim na ginawa noong nakaraang taon bago ang kanilang aplikasyon.
Para sa isang two-month salary loan, dapat mayroong 72 monthly contributions ang isang member.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang iba’t ibang platforms ng SSS o kaya’y makipag-ugnayan sa kanila.