SINIMULAN na ng Social Security System (SSS) ang pagbibigay ng financial assistance sa mga miyembro at pensiyonado sa mga lugar na apektado ng Bagyong Paeng.
Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, ang SSS calamity assistance package ay binubuo ng calamity loan assistance program (CLAP) para sa mga miyembro nito at 3-month advance pension para sa SSS at employees’ compensation (EC) pensioners.
Ang mga miyembro at pensiyonado sa mga lugar na ideneklarang State Of Calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), o ng sangguniang bayan, panglungsod, o panlalawigan ay maaaring maka-avail ng tulong pinansyal.
Samantala, nagsimula nitong Huwebes, Nobyembre 17 ang pag-aalok ng tulong pinansyal para sa mga miyembro at pensiyonado na natamaan ng paeng at tatagal naman ito hanggang Pebrero 16, 2023.