NAGDEKLARA ng state of calamity ang Bangsamoro Government dahil sa pinsalang dulot ng El Niño sa rehiyon.
Batay sa Proclamation No. 002 Series of 2024 ng Office of the Chief Minister, makokontrol na ang presyo ng mga pangunahing produkto dahil sa deklarasyong ito.
Sa pamamagitan nito ay magagamit na rin ng mga lokal na pamahalaan sa BARMM ang mga pondo na nakalaan para sa rescue, recovery, relief, at rehabilitation efforts sa apektadong mga pamilyang Pilipino.
Nitong Mayo 1 ay nakapagtala ng 39 degrees Celsius na heat index ang Mainland BARMM.