IPAGPAPATULOY ng Palasyo ang pag-iral ng state of calamity sa bansa, dahil sa COVID-19.
Ito ay ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Paliwanag ng Press Secretary, ang hakbang ay upang maipagpatuloy ang mga benepisyo sa ilalim ng state of calamity, tulad ng indemnification, emergency procurement, at special risk allowance ng mga healthcare workers.
Dagdag ni Secretary Angeles, posibleng palawigin ang state of calamity hanggang tatlong buwan.
Magiging dahan-dahan naman ang gagawing transition o pag-alis ng bansa mula sa state of calamity, matapos ang mga review na isasagawa ng pamahalaan.