State of calamity status dahil sa oil spill, inalis na sa Oriental Mindoro

State of calamity status dahil sa oil spill, inalis na sa Oriental Mindoro

INALIS na nitong Pebrero 26 ang state of calamity status sa Pola, Oriental Mindoro ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Ang pag-alis ng state of calamity status ayon sa OCD ay isang paraan na rin upang gunitain ang rehabilitation at recovery efforts na ipinaabot ng pamahalaan at private sectors sa Pola.

Pebrero 28, 2023 nang sumadsad ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro dala-dala ang 800K na litro ng industrial fuel oil.

Mula rito ay isinailalim sa state of calamity ang karatig na mga lugar gaya ng Pola.

Tinatayang nasa halos 5 bilyong piso (P4,929,242,581) ang pinsalang dulot ng oil spill sa agrikultura.

Nasa higit dalawang daang libong (200,244) katao rin sa higit dalawang daan (264) na mga barangay ang apektado nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble